Hindi ako nakatulog buong magdamag dahil inisip ko si Anton at Katie. Ikakasal na sa susunod na araw, paano ako? Paano kami ng baby ko? Buo na rin ang desisyon ko na umalis bukas papuntang Pangasinan. Itatago ko ang anak ko at papalakihin ko nang ako lang. Buong pagmamahal ang ibibigay ko sa kanya. "Gen? Bakit ang aga mong pumasok?" natauhan ako sa boses ni Jessa. Nandito kasi ako sa pantry at magtitimpla ng gatas ko. "Ay wow! Healthy living ka na at gatas na ang tinitimpla mo?" natatawang tanong ni Jessa. Sasabihin ko na rin sa kanilang tatlo na buntis ako. Ayaw ko rin itago ang magiging anak ko sa kanila. Sumunod naman na pumasok sila Kyla at Miya na para bang pinag-usapan nila na pupuntahan ako dito. "May sasabihin ako," agad kong sabi at napatingin sila sa akin. "B-buntis ako."Mah

