Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko na rin inaalala. Ang alam ko lang… gising pa ako. Tahimik na ulit ang kwarto. Pero ramdam ko ang katawan ko na medyo pagod. Yung tipong naririnig ko na ulit yung mahina at paulit-ulit na beep ng monitor, yung hangin ng aircon na dumadaan sa balat ko, at higit sa lahat… yung mahinang paghinga ng anak ko. Si Sebastian. Napangiti ako. “Seb…” bulong ko, parang sinusubukan kung paano siya tawagin. Ang weird. May anak na ako. Dahan-dahan kong inabot yung maliit niyang kamay. Automatic, kumapit ulit siya sa daliri ko na parang kanina. Hindi ko alam kung reflex lang ‘yon o… may meaning. Pero sa akin, meron. “Hi…” bulong ko. “I’m your mom.” Biglang kumirot yung dibdib ko. Hindi sakit kundi bigat at pagmamahal. Lahat sabay-sabay. “Hindi ko ala

