Chapter 107

1354 Words

Hindi ko na napigilan at tumulo na talaga yung luha ko kakatawa. Yung tipong masakit na yung tahi ko pero wala na akong pakialam. Kasi sa unang pagkakataon mula nung manganak ako… gumaan yung pakiramdam ko. Hindi lang basta gumaan. Yung pagod. Yung takot. Yung bigat. Naputol ng isang utot. Grabe. “Legend,” sabi ni Anton, pinupunasan pa yung gilid ng mata niya sa kakatawa. “Hindi ko ‘to makakalimutan,” dagdag niya. “Pwede bang wag?” sagot ni Allen, naka-hawak pa rin kay Sebastian pero ngayon, mas kampante na siya. Hindi na yung parang may hawak siyang bomba na parang may hawak na siyang maliit na tao. Tahimik na ulit si Sebastian, parang walang nangyari. Nakapikit lang siya, naka-kulubot yung noo niya ng konti, parang nag-iisip kahit baby pa lang. “Grabe…” mahina ulit na sabi ni Alle

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD