After the icebreaker game, nagpahinga na ang lahat. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na may pupuntahan saglit. Pero ang totoo niyan, gusto ko muna mapag-isa. Nandito ako ngayon sa isang beach chair at kitang-kita ang dagat. Maghahapon na at ang sarap tignan, hindi ko ba alam kung anong mayron sa dagat. Basta nakakarelaxing siya tignan. “Gen,” I froze when I heard his voice. “I missed you,” napakunot ang noo ko. “ ‘ Wag ka ngang ganyan, pumunta kana doon at baka makita ka pa dito ni Katie.” Inis kong sabi at nagulat ako ng bigla niya akong tabihan. Hindi siya nakasagot agad. “Tsaka bakit nandito ka?” tanong ko. “Kanina pa kita hinahap.” Natawa ako ngayon sa isang sarkastiko. “Huh? Bakit naman? Doon ka kaya sa girlfriend mong buntis.” Irap kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko pe

