Pagdating namin sa resort, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pagkabukas ko ng pinto ng kotse niya ay napahinto ako sa resort at sa dagat. “OMG! Ang ganda!” sigaw agad ni Kyla. “Parang ayoko na umuwi,” dagdag ni Miya habang yakap-yakap ang tote bag niya. “Hindi pa nga nagsisimula, ayaw mo na agad umuwi?” natatawang sabi ni Jessa sa kanya. “Guys, wag muna magkakalat ng gamit kung saan-saan!” sigaw niya. “Wait niyo muna ang room assignment!” Ay wow. “Aba, akala mo talaga organizer,” bulong ko kay Jessa. ““Mas excited pa siya sa mga kasama niyang HR.” Natatawang sabi ni Miya. Napatingin ako sa unahan nang makita ko si Allen na kabababa lang din ng sasakyan . Nagulat ako dahil dala niya ang bagpack ko! Tapos naka-white polo shirt siya na medyo nakarolyo ang manggas at dark sh

