Anong oras na at wala pa sila Jessa dahil nagpaalam na may pupuntahan daw. Tatlo silang lumabas kaya naiwan ako dito sa garden mag isa. Nakaupo lang ako dito sa isang garden chair. Sabi nila may hahanapin sila kaya hinayaan ko na lang. Para na rin mapasyalan nila ang lugar namin. Habang nakatingin ako sa mga halaman ay nakita ko ang tinanim ni Allen, wala pa itong dahon pero napapangiti ako. Lalo na kapag naalala kong siya ang nagtanim non. Sobrang tahimik tuloy ngayon kaysa kanina na sobrang ingay at saya. “Wala pa ba sila?” tanong ni Manang sabay bigay sa akin ng orange juice. “Wala pa nga, Manang. Hindi ko alam kung saan sila pumunta.” Sabi ko at natawa naman siya. “Baka may gagawing kalokohan na naman. Bago sila umalis nakabihis sila ng maganda, mga nakaayos pa. Pero hindi ko al

