Chapter 63

813 Words

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga muna ako dito sa sala habang si Allen ay nasa kusina. Tinutulungan niya kasi si Manang maghugas ng ginamit namin. Ayaw pa siya patulungin ni Manang pero makulit talaga si Allen. Napaisip ako, kamusta na kaya si Anton? Ang tatay ng anak ko. Sana mabuting tatay siya sa anak nila ni Katie. Iba pa rin kasi pag may kinilalang ama ang anak ko. Pero ito na siguro ang kapalaran ko. “Ano nasa isip mo ngayon?” tanong ni Allen sa akin. Tapos na rin pala silang maghugas ng pinagkainan namin. “Wala lang,” sagot ko at tumingin sa kanya. “Tapos ka na maghugas? Tabihan mo ‘ko, bilis.” Pagkasabi ko ay agad naman siyang sumunod. “Allen, paano pag araw-araw kita gustong makitq?” tanong ko at nakita kong napangiti siya. “As in everyday?” tanong niya at tumango ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD