62 Kinaumagahan, paglabas ko ay may naamoy akong mabango sa kusina. Kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Malayo pa lang ako pero naririnig ko na ang boses ni Allen at ni Manang. “Good morning,” bati ko sa kanilang dalawa at napatingin agad si Allen sa akin. “Good morning, buntis!” malambing na bati ni Allen sa akin. Si Manang naman ay napangiti na lang habang abala sa paglalagay ng pagkain sa mesa. “Mabuti nga at nandito si Allen, hija. Kanina pa ‘yan gising. Siya pa ang nagpumilit na tumulong sa paghahanda.” Nakangiting sabi ni Manang. Napatingin ako kay Allen. Naka-white shirt lang siya at naka-fold ang manggas hanggang siko. Medyo magulo pa ang buhok niya na parang bagong ligo at dali-daling bumaba. Pero kahit gano’n, ang linis at gwapo pa rin niyang tignan. “Baki

