Naiwan kami ni Anton sa sala pagkatapos umalis ni Daddy sandali para may kausapin sa labas. Nasa daliri ko pa rin yung singsing. Hindi ko pa rin sanay. Paminsan-minsan, tinitingnan ko siya, parang chine-check kung totoo ba talaga. “Hindi ka pa rin makapaniwala?” tanong ni Anton, nakasandal sa sofa habang pinapanood ako. Napatingin ako sa kanya. “Medyo,” sagot ko. Ngumiti siya. “Same.” Napakunot ang noo ko. “Ha? Ikaw din?” gulat kong tanong. “Oo naman,” sabi niya. “Ikaw ’yan eh. Siyempre hindi ako agad makapaniwala na pumayag ka.” Seryosong sabi niyang sabi. “Hoy,” sabi ko, pero natawa rin ako. “Totoo naman,” dagdag niya. “I was fully prepared na i-reject mo ako tapos tatakbo ako palabas dramatic.” Hindi ko alam ano na naman ang banat niya. “Drama mo,” sabi ko, umiling. “May

