Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang papalapit ako sa table kung saan naghihintay sina Jessa, Kyla, at Miya. Parang ang simple lang naman, lunch lang, bonding lang. Pero sa totoo lang, sobrang sarap nilang kasama. “Uy, Gen! Dito!” malakas na bati at tawag ni Miya nang makita ako. Napalingon agad ang ilang tao sa café. Napapikit na lang ako saglit bago lumapit. “Pwede bang hinaan mo boses mo?” bulong ko habang umuupo. “Excited lang ako. Miss ka na namin eh.” Sabi niya sabay tawa. “Miss ka raw or may gustong masagap na balita?” sabat ni Kyla habang nakataas ang isang kilay. Napatingin ako sa kanya. “Ano na naman ‘yon?” Ngumisi lang siya, habang si Jessa naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin pero alam ko na ‘yung tingin na ‘yon. Interrogation mode. “Order muna tayo,

