Habang busy ako sa pag aayos ng mga report ni Allen ay bigla akong napahinto. Kahapon pa ako babad sa computer at parang gusto ko mag relax or unwind. Ilang araw na rin kaming busy dahil sunod-sunod ang mga guest dito sa hotel. Maaga rin umalis si Allen kasi may family gathering yata sila. Gusto pa niya ako isama pero tumanggi ako, hindi naman sa ayaw ko. Pero family gather ‘yon, eh hindi naman ako pamilya nila. Nakakaloka si Allen! Hapon na rin kaya naman pinatay ko na ang computer at naisipan kong magtimpla ng kape bago umuwi. Pagpasok ko sa pantry ay wala pang tao. Nang biglang bumukas ang pinto ng office pantry at halos sabay-sabay na pumasok sina Jessa, Kyla, at Miya na parang may importanteng announcement. “Gen!” malakas na tawag ni Jessa habang nakangiti. “Wag ka munang uuwi.

