Chapter 33 (Liam's POV) Ibinaba ko yung papel matapos ko itong pirmahan at kumuha ng panibagong folder tsaka inumpisahang basahin. Ilang araw na ang lumipas mula nang mamatay si Lanie, naninibago ako kasi wala ng nagpapa-alala sakin ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Nakakalungkot lang kasi sa isang iglap, bigla nalang syang kinuha ni papa GOD samin. Nailibing na sya kahapon at naging matiwasay naman ang burol na ibinigay ni mon-mon dito, Halos mamula ng husto ang ilong at mata nina Z kasi iyak sila ng iyak, umiyak din naman si mon-mon pero hindi gaano kasi inaalo ko sya hehehehehe~ Kasama din namin kahapon sina Ed! Mwahahahahaha! Natutuwa ako kasi may mga bago akong kaibigan! *Pout* Nagpakilala sila saken at mukha naman silang mababait, sila yung mga bagong investor ni mon-mon haha

