Chapter 32 (Third person's POV) Katahimikan lang ang nangingibabaw habang ipinapaliwanag ni Monica sa lahat ang kasalukuyang status ng kumpanya, seryoso silang nakikinig dito pero ang totoo ay may kanya-kanya silang iniisip. Kanina pa nakikipagpalitan ng tingin si Ed sa mga kasamahan nya, pare-pareho kasi silang hindi makapaniwala na nasa harapan nanaman nila ang Lider nila. Si Kian naman ay hindi maalis ang tingin sa kaharap na si Vanessa, namamangha sya sa laki ng ipinagbago nito, mas nagmukhang sopistikada at elegante ito kesa noon na parang laging may lamay sa damit na purong itim. Sina C at A naman ay pasimpleng nagbubulungan habang si Angela at Vanessa ay panaka-nakang nagsasamaan ng tingin samantalang si Liam ay nakangiting naka-halumbaba at nakapatong ang siko sa mesa, kumukura

