Kabanata 5- 1995, Ang Pagmamanipula ng buhay

1362 Words
Nakaabang sa kusina si Coreen. Nakaupo ito sa may mesa habang hawak-hawak ang isang manika at nagkukuyakoy ng paa. Pinapanood lamang niyang nagluluto si Manay Gemma. Naiinip na ito dahil hindi pa dumarating si Ellen. Sinadya niyang bumuntonghininga na maririnig ni Manay. Inulit pa niya ito nang hindi lumingon ang matanda. “Hmm, anong problema ng alaga ko? Bakit nakasimangot na naman? Gusto mo ba ng meryenda?” Binuksan na ni Manay ang ref at akmang kukuha ng pitchel ng tubig. “Ipagtitimpla kita ng juice. Gusto mo ng sandwich?” “Bakit angtagal ni Ellen?” “Siguro ay namamasyal pa sila ni Ernest.” Nakababatang kapatid ni Manay Gemma si Ernest. Nag-aaral ito sa Maynila. Nagkataong wala itong pasok kaya dinalaw niya ang mag-ina. “Angtagal naman po nila. Dapat isinama ako ni Manong Ernest e,” reklamo ni Coreen. Nagpangalumbaba ito saka bumaling kay Manay. “I can hingi naman ng baon kay Lola.” “Naku. Ikaw talagang bata ka.” Nilapag ni Manay Gemma ang isang ng juice sa harapan ni Coreen. “Maipilit lang ang gusto ano? Magmeryenda ka na muna. Baka maya-maya ay dumating na rin sila.” Narinig ni Coreen ang sunod-sunod na busina. Hindi na nitong pinansin ang juice and sandwich. Tumakbo siya palabas upang tingnan kung sino ang dumating. Sumilip lamang ito sa dahil ayaw niyang mapagalitan siya ng kanyang lolo. Nangunot ang kanyang noo dahil ibang tao ang dumating, si Helena. Nanay siya ni Samie, isa sa mga tita niya. Kilala siya ni Coreen dahil palagi niya itong nakikita sa tv. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa sala. “Anak ko rin si Samie! Anong karapatan mong saktan ang boyfriend niya?!” Nagitla si Coreen sa biglang pagsampal ng kanyang lolo kay Helena. Humigpit ang yakap niya sa kanyang manika. Naawa siya sa pag-iyak ni Helena. Hindi niya mawari bakit siya sinaktan ng kanyang Lolo. “Hahayaan mong sa hampaslupa mapunta si Samie? Are you out of your mind?!” Muling sigaw ng matanda. “Putangina!” Nagulat si Coreen nang may nagtakip sa magkabilang tainga niya. “Sshhh.” Si Ellen iyon. Hinigit siya nito papalayo, patungo sa kwarto ng mga kasambahay. Sinara niya agad ang pinto pagkapasok nila. “Bakit ka nakikinig sa usapan ng matatanda?” “Nagsasakitan sila.” “Tsk. Next time, umiwas ka na lang ha? Hindi maganda `yon.” Nasabihan na ni Manay Gemma si Ellen na palagi siyang iiwas kung sakaling makakita siya ng hindi kaiga-igayang mga tagpo sa mansion. Alam ni Manay Gemma kung gaano kabilis magalit ang patriarka ng Trinidad kaya palagi niyang pinapaalalahanan ang anak. “Angtagal mo kasi. Na-bored ako.” Nailing at bumuntong-hininga si Ellen dahil nasisi pa siya ng kaharap. May hinugot siya sa kanyang bulsa. Tatlong piraso ng yema. Iniabot niya ito kay Coreen. “Oh, pasalubong. Mamaya na tayo bumaba. Gusto mo bang maglaro?” Ikinatuwa ni Coreen ang narinig. “Pero gusto ko sa hardin. Nandun ang mga toys natin.” “`Yong mga manika na naman? Wala na bang iba?” Sumimangot si Coreen. Sa isip nito ay nagsasawa na si Ellen sa pakikipaglaro sa kanya. Bigla siyang naawa sa kanyang sarili. Napansin ito agad ni Ellen. “Sige. `Yon na lang. Pero dito tayo dumaan sa bintana. Baka nasa sala pa sina Gob.” Binuksan ni Ellen ang bintana. Nauna siyang lumabas. Mababa lamang ito. Tumuntong siya sa lumang study table ni Coreen. Sinadya nilang dito ilagay ang ibang laruan ni Coreen upang gawin nilang tungtungan kapag tatakasan nila ang mga matatanda. Nanlaki ang mga bata niya nang tumalon si Coreen. Nabitawan nito ang kanyang manika. Dinampot ito agad ni Ellen. “Anggaling natin!” pumalakpak pa si Coreen pagkababa niya. “Hindi ako nadapa! Yes!” “Angbabaw mo talaga. Oh, mag-iingat ka nga. Mamaya ako pa mapagalitan kung nasaktan ka.” --- Pinapanood ni Ellen si Coreen na naghuhukay ng lupa. Ayaw siya nitong pahawakin sa mga laruan niya. Gusto niya ay siya lamang ang magbungkal at maghakot. “Ano bang gagawin mo diyan? Saka bakit nandito ang mga manika mo?” “Put ko sila diyan. Secret natin ha?” “Para ka namang maglilibing.” Hindi umimik si Coreen. Ngumiti lamang siya saka kinuha ang manika. Nilagay niya ito sa hukay saka tinabunan. Sa ibabaw ay pinatungan niya ng rosas saka nagkunwaring nagdasal. “Kailangan rin may dasal?” biro ni Ellen. “Teka. Anong pinagdasal mo naman sa manila?” “Sana mag-rest in peace na ang baby ni Tita Wella.” Inosenteng sagot ni Coreen. Muli siyang pumikit. “Help mo akong mag-pray. Dali.” Pumikit na rin si Ellen na maya’t-maya ay nagmumulat ng mata upang tingnan kung totoong nagdarasal si Coreen. “Hay, para naman kaming naglibing nito.” Ani Ellen sa kanyang isip. “Rest in peace na lang sa Manika. Sayang. Mukhang mahal pa naman.” --- Sa hindi kalayuan ay nakamasid si Regina sa dalawa. Panatag ang loob nitong mayroong nakakalaro ang kanyang apo. “`Ma, bakit hinahayaang niyong pumupunta-punta dito ang kabit ni Papa?” nilingon niya si Angela. “Hindi na nahiya sa inyo.” “Hayaan mo na. Napagod na ako sa pakikipag-away sa mga naging babae ng Papa niyo. Gusto ko na ng tahimik na buhay at panatag na isipan.” “I wish I have the same courage as you.” Lumapit si Regina sa kinauupuan ng manugang. Naupo ito sa maliit na sofa saka dinampot ang tsaa. “Nag-aaway pa rin ba sila sa ibaba?” Tumango si Angela. “Galit na galit si Papa dahil sa boyfriend ni Samie.” “Naawa ako kay Samie. Mukhang mabuting tao naman iyong kasintahan niya. Masipag at masigasig sa pag-aaral.” “Nakakatakot si Papa. Parang gusto ko na lang lumayo at dalhin si Coreen.” Natigilan si Regina at napako ang tingin sa manugang. “Nagsisisi ka bang pinakasalan mo ang anak ko?” Nahihiyang tumango si Angela. “Patawad, Mama. Noong una naman ay maayos ang pagsasama namin. Pero marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. Sa tuwing umuuwi siya nang late ay maraming bumabagabag sa akin.” “Kung sakaling hilingin ni Elrick na maghiwalay kayo, huwag kang magdadalawang isip. Ayokong magaya ka sa akin. Pero hangga’t kaya mo pa, pakiusap, tiisin mo muna. Kilala ko ang takbo ng isip ng anak ko. Babaliktarin niya ang sitwasyon kung ikaw ang humiling ng annulment.” Sumagi sa isip ni Regina ang mga bata. “Si Ellen. Iniisip kong makakabuting magkasama sila ni Coreen sa iisang school. Natutuwa ako sa kanya.” “Napansin ko ngang parang magkapatid na sila ni Coreen. Hindi kaya tumutol si Papa o kaya si Elrick?” Umiling ang matanda. “Ako ang magpapaaral kay Ellen. Hindi ako hihingi kahit isang kusing kay Leandro. Nakikita ko kay Ellen na sinsero ang kanyang pakikitungo sa apo ko.” “Madam! Madam!” Sunod-sunod ang pagkatok ng isang kasambahay sa pinto. “Madam, si Gob po.” Nagmadaling binuksan ni Angela ang pinto. Pag-aalala ang mababanaag sa mukha ng Kasambahay. “Anong nangyari, Yaya?” “Madam, si Gob po. Galit na galit, narinig kong pong sinabi ni Madam Helena na buntis si Madam Samie. Umalis po si Gob.” Nagmamadaling bumaba sina Regina. Naabutan nilang umiiyak si Helena sa sala. Agad siyang nilapitan ni Angela at inalo. Hinahagod nitong ang kanyang likod. Kinakausap ni Regina ang mga bodyguards. Wala siyang makuhang sagot sa mga ito kung saan paroon ang kanyang asawa. Hindi nila napansin ang paglapit ng dawalang bata. Pinagmamasdan ng mga itong umiiyak si Helena. Atubili silang nilapitan ni Regina. Paulit-ulit na sinasambit ni Helena na buntis si Samie. Hindi nito mapigil ang mga luha dahil sa galit na nakita niya sa mga mat ani Leandro. Nagmamakaawa siya kay Angela na tulungang siyang hanapin ang kanyang anak subalit maging ito ay walang magawa. “Maglaro muna kayo, Apo.” Bumaling siya kay Ellen. “Dalhin mom una sa kanyang kwarto si Coreen.” “Masama rin ang pakiramdam ni Tita Samie?” bulalas ni Coreen. “Huwag mo kayong mag-aalala. Ipapagamot siya ni Lolo parang si Tita Wela po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD