"Happy birthday, Shazmin!" Parang mga baliw na naghiyawan sina Adam nang bumukas iyong van. Sinundo nila 'ko sa tapat mismo ng bahay namin. Tawang-tawa ako habang tinulungan ako ni Rimuel na ilagay iyong maleta ko sa compartment. "Ready ka na bang magwalwal?!" Sumilip si Adam sa bintana ng shotgun seat. "Rimuel ito pa." Pinakisuyo ko na rin kay Rimuel iyong maliit na maleta para ilagay sa compartment. Bumalik sa driver's seat si Rimuel habang tinignan ko muna iyong backseat at kung saan magandang pumwesto. "Happy birthday," bati ni Cassy nang mapatingin ako sa kanya. Katabi niya si Kesha na binati rin ako. Kumunot iyong noo ko nang hindi ko nakita si Kairee. Si Paulo lang iyong na sa pinakalikod 'tapos wala siyang katabi. "Dadaanan pa natin si Kairee, chill ka lang." Tumawa si Ada

