"Ah sa kaliwa na 'ko." Pinili ko iyong kaliwa since katabi niyon iyong whole body mirror. Tinungo niya iyong maleta namin. Nagsimula na siyang ilipat iyong ilang gamit niya sa cabinet. Nag-shower na lang muna 'ko. Pagkalabas ko, nakaupo na si Kai sa kama niya. Sinilip ko iyong cabinet, mukhang nalipat niya na lahat ng gamit niya. Naka-bathrobe lang ako kaya kumuha na muna 'ko ng oversized shirt at dolphin shorts. Bumalik ako sa banyo para magbihis. Pagkatapos niyon, inayos ko iyong maleta ko. Sobrang awkward sa totoo lang, tanaw ko si Kairee sa gilid ng mga mata ko. Nakaupo lang siya sa kama, pakiramdam ko'y nakatingin siya sa 'kin pero ayokong mag-assume. Nangangati na nga iyong lalamunan ko, hindi sanay na hindi dumadaldal. Ang hirap magpigil. "Wala pa lang signal dito?" tanong niya.

