"Excuse me?" Napatingin siya sa 'kin, kunot na kunot ang noo. "May first kiss ka na?" ulit ko. Umawang ang labi niya, para bang hindi makapaniwala. "Why are you asking?" tanong niya. "Curious lang." I bit my lower lip. Binalik niya ang tingin sa libro, hindi sinagot iyong tanong ko. I puffed a breath. "Sige, wag mo ng sagutin. Hindi ka ata open sa ganoong topic." Hindi niya talaga 'ko pinansin. Umayos ako ng sandal sa sofa at nag-krus ang mga braso sa dibdib ko. "Close minded ka ba?" tanong ko. Tumingala siya, parang nagtitimping bumuntong hininga saka sinara iyong libro. "I'm reading, can you give me peace?" Nag-peace sign ako. "Sabi ko nga, sorry po." Kinuha ko ulit iyong librong binabasa ko kanina, nagpanggap na lang akong nag-aaral para kunwari may sipag din akong taglay

