"Tingin mo totoong hindi nagseselos si Cassy sa inyo ni Kairee?" tanong ni Oli habang naglalakad kami sa National Bookstore sa loob ng isang mall. "Bakla, ba't naman siya magseselos? Eh siya nga iyong gusto ni Kai." Napairap ako't naglakad na palabas sa bookstore. Kanina pa kami paikot-ikot doon, wala naman akong nakitang magandang bilhin. Wala naman kasi talaga sa isip ko ang mag-mall. Sinuhulan lang ako ni Oli at ililibre niya raw ako kaya sinamahan ko siyang mag-window shopping. "Malay natin diba... Ikaw na pala." Natawa ako. "Wow, ngayon naman pinapaasa mo 'ko." "Tignan mo, 'pag negative iyong sinasabi ko, dino-down kita, kapag naman positive, pinapaasa; ano ba talaga ha? Di ko na alam sasabihin sa 'yo sis." "Basta wag mo 'kong i-down at wag mo rin akong paasahin." H&M store iyo

