"Excuse me ma'am, sir, what's your concern?" I acted normal, nang mapatingin ako sa babae, parang tutumba iyong tuhod ko. Gulat na napatingin sa 'kin si Cassy habang walang emosyon si Kairee as if alam niyang ako iyong lalapit sa kanila. Pilit kong tinaas ang noo ko, proving that I was not affected, not anymore. Ano naman kung magkasama sila? Magjowa na ba sila? So what! Wala akong pake. Edi congrats sa kanila. Cassy cleared her throat. "I requested for a medium well steak, you gave me medium rare." Sinilip ko iyong steak na nakahiwa sa harapan niya. It was indeed medium rare. Sa dami ng mabibigyan ng maling serving, ba't naman sila pa? Kaasar. "We're sorry for the inconvenience. Papalitan na lang po namin." Tumawag ako ng waiter. Inutos kong kuhanin iyong steak at palitan iyon ng ba

