"Nagkita ulit kayo ni Kairee? Oh my freaking gosh!" Grabe maka-react si Oli nang i-kwento ko sa kanya iyong ilang beses na pagtatagpo namin ni Kai. "It's not a big deal though," ani ko pagkatapos mag-kwento ng with feelings pa habang nag-chi-chill kami sa living room niya, tamang sound trip lang habang kwentuhan. "Hindi big deal pero damang-dama mo iyong kwento." Oli laughed. "Gago inii-stalk ko pa naman siya madalas sa socmeds niya; lalo siyang gumwapo. Hot ba talaga siya sa personal?" Pinalo ko siya ng throw pillow. "Ewan ko, hindi ko naman iniisip mga gano'ng bagay!" "Sus, baka nag-wet ka nga nung nakita mo siya." "Ang dumi ng bunganga mo." Kumuha ako ng nuts sa bowl at ngumuya-nguya na lang. "Pero gwapo nga siya, I mean lalo?" "Oo." Napasimangot ako, ang hirap i-admit. Mas nagin

