"Single ka pa rin?" tanong ko kay Rimuel. Nagkasalubong kami sa mall habang nagtitingin ako ng mga cooking sets kanina. Inaya niya 'kong mag-coffee, wala naman akong gagawin kaya sumama na 'ko. Magkaharap kami sa lamesa, we were teasing each other about our past. "Oo. Wala, tatanda ata akong binata." He laughed. Natawa ako at the same time nagtaka, gwapo naman siya; mas nagagwapuhan nga 'ko sa kanya kaysa kay Adam. His charcoal eyes were alluring; kaya crush na crush siya ni Oli noon eh. "Ba't naman? Torpe ka ba?" pang-aasar ko. "Hindi. Wala lang akong nahahanap na kagaya niya." "Kagaya nino?" My brows crossed. "Ni Jemina." He shrugged. Anyway, ikaw ba? Boyfriend mo na ba si Kiko?" Napaubo ako nang tila bato ang kapeng lumandas sa lalamunan ko. Tumatawa ako nang pinunasan ng ti

