"Mom, jogging lang ako," paalam ko kay mommy bago lumabas sa gate at nagsimulang tumakbo. Nakahiligan ko bigla ang pagjo-jogging. Mula ng maghiwalay kami ni Kai, madalas akong tumatakbo at doon binubuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggang sa naging hobby ko siya and eventually naging routine. Habang tumatakbo, hindi ko maiwasang maisip iyong college days namin ni Kai. Napangiti ako, ang kulit ko pala talaga sa kanya noon. Grabe iyong mga efforts ko para mapansin niya lang ako. Napailing ako habang nag-jo-jogging, hindi makapaniwala sa mga pinaggagagawa ko dati. Medyo bumagal ang takbo ko nang may sumabay sa bawat hakbang ko. Muntik pa 'kong matapilok nang mapagtantong si Kairee iyon. Diretso siyang nakatingin sa daan, may pawis sa sentido niya, mukhang kanina pa siya nagsimula.

