"Kakagaling mo lang sa hospital?" tanong ko nang mapansing bitbit niya pa iyong coat niya. "Diyan mo na lang ilagay iyan sa coffee table." Ni-lock ko iyong pinto, nginig pa ang mga daliri ko. I didn't know where my nervousness was coming from. Pagkatingin ko sa kanya, nakaupo na siya sa sofa, nakatingala habang hinihimas ang sentido. Kinurot ko ang sarili, bakit wala akong masabi? Hindi ko matuwid ang dila ko. Nakatayo lang ako't pinagmamasdan siya. I cleared my throat. "Mag-i-stay ka rito?" Dumilat siya't sinilip ako. "Bawal ba?" "No. You can stay... of course. Nag-dinner ka na ba?" Dapat pala, hindi muna 'ko kumain kanina! Sana kasi sinabihan niya man lang ako para hindi ako naba-black out. Good thing, nakapagpaganda pa 'ko kahit papaano. Sakto ring ang ganda ng silk pajamas ko. U

