78 Sarkastiko siyang tumawa. "As a friend? Mahal mo 'ko pero hindi kagaya ng pagmamahal mo sa kanya." Tinuro niya si Kairee. "I will never be enough... am I?" "Kiko---" "Oo gets ko na. Hinding-hindi mo 'ko magugustuhan kasi magkaibigan lang tayo. Wala tayo sa libro kung saan pwedeng magkatuluyan iyong mag-best friend! Ang tanga ko sa 'yo... f**k s**t, bakit ba 'ko nandito?" "Ki--" "Sorry." Tinignan niya ulit si Kairee. "Naabala ko pa ata kayo." "Ki--" hahabulin ko sana siya nang lumabas siya sa unit ko, hinawakan ni Kai ang palapulsuhan ko. I looked at him with my gloomy eyes. "Papaasahin mo lang siya lalo 'pag hinabol mo siya; let him be." Bumagsak ang balikat ko; ni-lock ko iyong pinto bago naupo sa sofa. Parang sirang dvd na paulit-ulit nag-play sa utak ko iyong mga sinabi ni

