"Wow! Shazmin, ikaw ba iyang nakikita ko?" Natigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Oli. "Hindi, kamukha ko lang 'to." Hinigpitan ko iyong kapit sa mga papers at folders na bitbit ko. Tumingin siya sa wrist watch niya, awang na awang ang labi. "Wow ang aga mo ha! Himala, seven pa lang, bakla. Baka hindi mo alam iyong oras." Sinipa ko siya. Pasalamat siya't marami akong bitbit, hindi ko siya mahampas. "Gaga ka! Marami akong ipapasa sa profs ngayon. Natambakan ako ng schoolworks, bakla." Naglakad na ulit ako papuntang faculty. Bumuntot sa akin si Oli. "Iyan, kung ano-ano kasing inuuna. Panay landi ka ata lately eh!" "Hindi naman. Medyo lang." I chuckled, naalala na naman kung gaano kaliwanag ang buhay ko lately dahil kay Kairee. "Lantong, bakla!" Oli laughed. "Pero congra

