"Ulol wag na! Hindi naman ako malalaglag unless hindi ka maingat na driver." "Shazmin, kumapit ka na sa 'kin kahit sa balikat lang." Napairap ako't bumuntong hininga. Hindi na 'ko nakipagtalo't humawak na lang ako sa balikat niya. Para akong robot na na-lowbat, walang enerhiya, pinipilit na lang gumalaw-galaw at magsalita. Pakiramdam ko'y dahon akong tangay-tangay ng hangin habang nakaangkas kay Kiko. May sinabi siya habang nagmamaneho, hindi ko naintindihan, probably dahil sa helmet na suot namin at sa ingay ng motor. Mabilis kaming nakarating sa isang kainan. Tahimik akong kumain habang pansin ko ang panay na pagsulyap sa 'kin ni Kiko. "Hoy ngumiti ka na. Nilibre na nga kita oh." Pilit ko siyang nginitian. "Hay naku, sino bang nagpalungkot sa 'yo? Sasapakin ko." Napangiwi na lang

