"Ano? Walang problema." Nangatog ang tuhod ko. Umupo ako sa maliit na sofa sa gilid ng inuupuan niya. At least ay malayo pa rin naman ako sa kanya. Sinundan niya 'ko ng tingin, talagang ayaw niyang pakawalan ang mga mata ko. "Clearly, may problema. Bakit ka absent at bakit hindi mo 'ko nire-reply-an?" "Ewan ko. Bakit nga ba?" Umawang ang labi niya. Hindi pa nakapagsalita agad. Gumalaw ang adam's apple niya sa paglunok niya nang mariin. "You're a straightforward woman. What's wrong?" "Ewan ko sa 'yo." "Just tell me." He hissed. Umiwas ako ng tingin, napalunok. Ayokong manggigil pero parang nilalamon ako ng sarili kong emosyon. Hindi ko ma-kontrol. Tinignan ko ulit siya, iyong mga mata niya, nakatingin pa rin sa 'kin, it was like looking for answers. "Kamusta iyong family dinner

