"Ha?" Para akong nawala sa sarili sa tanong niya. Napakurap-kurap ako, hindi sigurado kung tama ba ang narinig. "You want a kiss?" ulit niya Lumobo ang mga mata ko, para akong sasabog; umawang ang labi ko't umusok ang pisnge. "Bakit? Hahalikan mo 'ko?" I laughed, natututo na rin siyang magbiro ha, in fairness. "Do you want me to?" Tumayo siya sa harapan ko. Nanigas akong parang yelo, awang ang labi't natulala sa lalim ng titig niya. I gulped. "Wag kang nagbibiro ng ganyan, baka magpahalik nga tala--" Natigil ako nang hawakan niya ang pisnge ko't lumapat bigla ang labi niya sa labi ko. Libo-libong fireworks ang sumabog sa dibdib ko. Napakurap-kurap ako habang nakapikit siya't nakahalik pa rin sa 'kin. Hindi ko alam ang gagawin! Ang bilis ng t***k ng puso ko. Tinagilid niya iyong muk

