"Ha? Ano?" Uminit ang buong pisnge ko. Tumawa siya't umiling-iling. Napaawang ang labi ko nang hawakan niya iyong damit niya sabay angat niyon; naghubad siya sa harapan ko! Natulala ako sa dibdib niya. Nang magtama ang mga mata namin, para na 'kong tutumba sa ngatog ng tuhod ko. "We should change our clothes; let's go." Sinuklay niya iyong basa niyang buhok bago pumasok sa loob ng bahay. Napadila ako sa ibabang labi; hinimas ko iyong tiyan ko, may something sa loob ng tiyan ko na hindi ko mapaliwanag. Basta parang biglang uminit iyong paligid. Bumuntong hininga ako saka sumunod na sa kanya sa loob. Dumiretso ako sa guestroom para kuhanin iyong pamalit ko. Nag-shower na ako, habang naliligo, hindi ko mapigilan ang pagngiti, pakiramdam ko'y na sa himpapawid ako sa sobrang saya. Pauwi na

