"Kairee, you know what? This is heaven!" Abot paraiso na ang ngiti ko habang nakatingin sa mga pagkaing nakalatag sa mesa. Grabe, ang sasarap sa tingin pa lang. Mostly seafood since na sa beach kami. Kahapon pa kami na sa Batangas, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Kairee at bigla niya 'kong dinala rito sa isang sikat at mala-paraisong beach resort. Kahapon pa hindi magkandamayaw ang mga paro-paro sa dibdib ko sa sobrang saya. "You are heaven," aniya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan niya. Jusko, kahapon pa siya pakilig nang pakilig. Kung pwede lang talagang mag-stay na kami rito habang buhay, gustong-gusto ko. Ang chill lang namin dito. As in, sobrang stress kami lately sa school pero nakalimutan ko lahat ng iyon lalo na kanina noong sinubukan namin ang iba't ibang sea

