"I don't care. I like you, that's all that matter." Ngumiti ako. At least he likes me, oo nga naman. Buong week iyon lang ang inisip ko nang inisip, iyong event na pupuntahan namin ni Kairee sa linggo. Ewan, masyado akong conscious. Hindi na rin ako mapakali kung ano bang magandang suotin, iyong outfit na magugustuhan ng parents niya specially ng mommy niya. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko, but somehow I feel insecure. Am I supposed to feel insecure when in love? Ang tanging gusto ko lang ay matanggap ng parents niya. Gabi-gabi kong inisip kung paano ako magkakaroon ng magandang impression sa kanila. I wanna feel accepted. I was craving for validation. Sa buong week ng pag-iisip ko, madalas namang kasama ko si Kairee; in-assured niya 'ko na anomang maging reaksyon

