"Mommy." Umupo ako malapit kay mom habang si Kai naman ay umupo sa tabi ko. Katapat namin ang dining table na puno ng iba't ibang pagkain. "Merry Christmas po, tita," bati ni Kairee kay mom. Napalunok ako. Inabot na ng pasko at nito lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipakilala siya kay mommy officially bilang boyfriend ko. "Merry Christmas din, Kai." Mommy smiled habang nakaupo siya sa dulo ng lamesa. Tinignan niya ako, parang may hinihintay siyang sabihin ko. Talagang hindi pa namin ginalaw ang mga pagkain, sobrang awkward na nagtitinginan lang kaming tatlo. Buti nga ay napapayag ko si mom na rito mag-noche buena si Kairee. Kawawa kasi, mag-isa lang siya sa bahay nila. Usually ay hindi pala umuuwi ang parents maski ang ate niya sa kanila. Nang hindi ako nakapagsalita, tinitiga

