Chapter 62.1

1442 Words

"I'm Shazmin po." Parang lulubog na 'ko sa mga tinginan ng mommy niya. Sinilip ko ang dad niyang tahimik lang kumakain ng steak. Wal na 'kong ganang kumain. Pinilit ko na lang ubusin iyong na sa pinggan ko kahit parang mga tinik na ang bawat nilulunok ko. Kumurap-kurap ako sa pag-init ng mga mata ko. Nanubig iyon, napigilan ko ang pagpatak ng luha. Huminga ako nang malalim saka uminom ng tubig. Palagi na lang bang ipapamukha ng magulang niya na ayaw nila sa 'kin? Na si Cassy ang gusto nila para sa kanya? Pucha, nakakapilipit ng dibdib. Nang umalis ang magulang niya, dumiretso ako sa sofa sa living room. Tumingala ako't pinigilan ulit ang nagbadyang mga luha. Umupo siya sa tabi ko nang ma-lock niya ang pintuan nila. Sa wakas, umalis na iyong magulang niyang masyado akong minamaliit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD