Magdadalawang araw na ako sa Asylum pero wala paring kahit na anino ni El.Nag uusap kami ni Big from time to time gamit ang kuwintas ko na nilgayan niya ng maliit na transmitter at maliit na mic.Ingat na ingat kami habang ginagawa iyon.Muli kong nakita ang mga kasamahan kong baliw doon at muli ay naawa sa kanila.Nagdadasal akong isang araw ay sana gumaling din sila ng nang makalaya din sila dito. Nong pangalawang araw muling bumisita ang mga magulang ko at sa pagkakataong ito hinarap ko sila.Wala pa rin silang ideya na naialis ako doon ni Big at na alam ko na lahat. Iyak ng iyak ang mommy ko at ganon din ang daddy ko ng muli akong makita.Agad akong niyakap ni mommy at sinabi nilang miss na miss nila ako.Kitang kita ko ang gusot gusot na damit ni mommy at ang humahabang balbas ni daddy

