Nagtutulug tulugan parin ako ng huminto ang sasakyan ni El at maingat niya akong kinarga. Tama yong hinala ko,pampatulog yong ipinainom niya saking gamot kanina. Pumasok kami sa tila isang kulob na space na may masang sang na amoy..Bahagya kong iminulat ang mata at nakitang nasa loob kami ng malalaking tulay,sa gilid ng mga imburnal.Unti unti na naman akong binabalot ng kaba.Isang malaking bakal na pinto ang binuksan ni El ng makarating kami sa dulo.Pumasok siya doon at bumababa sa naghihintay na hagdan. Malamig ang paligid habang pababa kami ng pababa at tila nag eecho ang mga tunog ng sapatos niya habang naglalakad.Kung tama ang hinala ko nasa isang basement kami sa ilalim ng tulay. Isang tawa ang narinig ko hindi kalayuan.Tawa ng isang babaeng parang kinikiliti. "ikaw na ba iyan m

