Nakatitig sa kabuuan ko si El. Malungkot ang mata. Pinagpapawisan, nanginginig at kung hindi dahil sa sinag ng buwan baka isipin kong nag aalala siya. Walang nagbago sa hitsura niya.Moreno,brown ang mata,maayos na buhok, at makapal na kilay na bahagyang nakakunot. Ilang pawis din ang nakita kong tumulo sa gilid ng mukha niya. Halata ang discomfort pero sigurado sa ginagawa. Inabot niya ang kamay niya sakin. Parang inaaya ako sa kung saan. Wala akong reaksyon.Tuluyang namanhid ang katawan ko sa emosyon kahit ngayon na nakikita ko na mismo sa harap ko ang dahilan ng lahat ng ito. Wala sa sariling inabot ko ang kamay sa hangin.. Inaabot ang kanya. Unti unti akong bumangon para mapagdikit ang kamay namin.. Kapag nahawakan ko ang kamay ni El siguradong isasama niya ako at magapapaliwanag s

