NAGPATIANOD na lamang ako sa panghihila sa akin ni King. Hindi ko talaga alam kung saan ito humuhugot ng galit sa akin. Wala naman akong maalalang ginawa sa kanya. The only thing I knew is that I wasn't able to answer his call. That's all! Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagtingin sa mga establisyimentong nadadaanan namin. Hindi niya ako kinikibo kaya hindi rin ako nagsasalita. Kinuha ko ang aking phone sa bag ng maramdamang nag-vibrate iyon. It's Queen, asking if I am okay. I typed an answer to King's twin sister. Sinabi kong okay lang naman kaming dalawa nang topakin niyang kakambal. Kinumusta ko rin ito at si Damien. Natatawa ako sa reply nito. "Who are you texting?" Nagulat pa ako nang magsalita ito. Akala niya ba ikina-gwapo niya ang pagiging seryoso niya. Mas bagay sa kany

