CHAPTER THREE

1401 Words
Bago pa ako makaupo sa aking upuan ay may isang babae na lumapit sa lamesa namin - to King's direction to be exact. Pinasadahan ko ng tingin ang babae. She's a shrimp. May bulging tummy na rin ito, mga around four to five months old. Is she the girlfriend he is talking about? I am here with him to see the truth with my naked eyes. Noong sinabi niya kasi na buntis ang nobya nito ay hindi ako masyadong naniwala kaya naman sinabi ko ritong nais kong makita ang babae in person. "Hi, Love..." Agad itong humalik kay King kaya naman ibinaling ko sa labas ng bintana ang aking mga mata. Sige lang mag-moment lang kayo diyan. "Ysia, meet my girlfriend Lucinda Crimson. Lucy honey, meet Ysia Marie Tan." Pagpapakilala ni King sa akin. Lucinda is no beauty compared to me. Napakunot ang nuo ko ng makitang wala namang foreign features ang babae pero tunog foreigner ang apelyido? At tsaka naiinis ako kasi kapangalan niya si mommy ko. I guess because of that I will never be nice to her. But surely, I'll be civil on her. God knows, baka this will be my first and last na pagkikita namin. "Hi! Sorry but I don't do handshakes." Ani ko rito ng ngumiti ito sa akin para makipag-kamay. King glanced at me as if saying 'be nice to my girl'. Pero wala akong paki dahil hindi ako takot sa kanya. "Love, pwede na ba tayong umorder? Gutom na kasi ako e." Excited na tanong nito kay King. Napaismid nalang ako. My God this woman is so PG! Natural kasi buntis siya sagot naman isang bahagi ng utak ko. Whatever!? Agad naman na may lumapit sa aming waiter. As if on cue ay inabutan kami nito ng tag-iisang menu. I ordered some steak and a glass of pineapple juice samantalang yung girlfriend ni King mukhang gustong orderin lahat ng nasa menu. "You can go now." Napaangat ako ng mukha ng marinig na magsalita si King. Pinapaalis na pala nito ang waiter. But why? Kaya naman pala kasi nakatitig pa rin sa akin yung lalaking waiter. Ngumiti ako rito at namula ito. Ysia's effect on men. Hehe! "Ma'am, p-pwede po ba akong magpapicture sa inyo mamaya? Di ba po artista kayo?" Bahagya akong natawa sa sinabi ng lalaki. Napagkamalan yata ako nitong si Kim Chiu. Hehe! "Artista ka?" Tanong naman ni Lucinda sa akin. Dah? Parang ewan din ang babaeng to?! "Nope. Hindi ako artista." Namula ng husto ang mukha ng lalaking waiter. "Pero Ma'am, kasi nakita ko kayo sa billboard sa EDSA." Ayaw paawat na sabi ng waiter. Gusto niya talagang i-push ang kagandahan ko. And I like him na for that! "Yeah. It's me. I am modelling some clothes for our company. Pero hindi ako artista, part-time model lang ako." Nangingiting sagot ko rito. I never knew that I have fans. Tumikhim si King at sinamaan ng tingin yung waiter. Nakatunog yata ito kaya naman agad nitong pinulot isa-isa ang mga menu at nagpaalam. "Pa-picture po ako mamaya Ma'am ha?" Anito pa bago umalis. I just nod. And the waiter smiled na para bang naka-jackpot sa lotto. "Sabi ko na nga nakita na kita minsan e. Ikaw pala yung babaeng naka-jeans at bra lang sa EDSA na nakaupo sa trono at may korona. Mas maganda ka in person, pwede pa-selfie." Tuwang-tuwang bulalas naman ni Lucinda sa akin. Naglabas ito ng monopod mula sa sling bag nito at nagpicture kaming tatlo. I smiled sweetly. Si Lucinda naka-peace sign samantalang ang dyowa nitong Hari ay nakatingin lang sa kamera. Hmm, pabebe. "Ayan, let's caption this, Dinner with King and the princess." Lucinda said it loudly while giggling. Kinikilig yata ang loka. But still, I don't like her because I am starting to like her na. Nakakainis! She's a fan of me kasi. Pwede ko sana siyang gawing president ng fans club ko. But no! Kaya naman napasimangot akong muli. Nakakainis! Nakakainis kasi I am beginning to like her na talaga. "So? Will you cooperate with me now?" Tanong ni King sa akin. Nagpaalam si Lucinda sa amin na mauuna na dahil nasa labas na daw ang sundo nito. May family gathering kasi ang mga ito. Hindi na ako nagtanong kung bakit hindi invited si King samantalang ito ang ama ng baby ni Lucinda. I guess, their lives is not my business anymore. I smirked. Ano pa nga ang magagawa ko kundi ang tulungan siya. Sino ako para tanggalan ng ama ang anak nito? Ako mismo muntik ng mawalan ng ama. Good thing that my mother fought for it. She fought for my rights to be fathered. And here we are now, happy as ever! "Okay. But I am telling you. Hindi ko maipapangakong papayag si Daddy. Please do understand. But I will try to convince him for the sake of the baby." Si Daddy pa rin kasi ang may final say dito. Kahit pa ba gustong-gusto ko nang maglayas dahil sa kasalang ito. "Just try to convince him. Ako na ang bahalang kumumbinsi sa parents ko. We can work this out together." And I just rolled my eyes. Ganun niya kaayaw na maikasal sa akin? Akala mo naman luging-lugi siya sa akin. I am Ysia Marie Tan and I am everything! "Waiter! Our bill please." Bago pa ako maibyerna kay King ay tinawag ko na ang waiter. Agad naman lumapit yung waiter na nagserve sa amin kanina. I was about to get some paper bills on my wallet when King spoke. "No need, Ysia. I own this place." Well, I am surprised to know that he is not a complete asshole naman pala. Graduating palang ito ng kolehiyo pero may sariling business na agad. I am impressed with the thought that my fiancee is a businessman within. "Di nga?" I am just trying to figure out if he is telling a mere fact with me. "Yes, Ma'am si Sir King po ang may-ari nitong Double King's Cuisine Bar and Resto." Sagot naman ng waiter. Okay fine, I got it. The resto was named after him. Impress na talaga ako sa kanya. But I don’t like him pa rin. "Fine, let's take a selfie so I can leave now." Kailangan ko din kasi ang picture for documentation and proof of our 'date' tonight. Dapat may maipakita akong proof kay daddy na si King ang kasama ko. Habang nagpipicture kami ay lumapit pa ang ibang staff ng resto at nakipicture na din. And all the time ay nakaakbay si King sa kanya o di naman kaya ay nakahawak sa bewang niya. He looks possessive but I know he's not. And because of that picture taking we had I can say that I enjoyed the night with him. "Shocks! Where's my key?" Wala sa loob ng purse ang susi ng kotse. Saan ko kaya iyon nailapag? Kaya bumalik ako sa loob ng resto para tignan iyong muli. "Oh, there you are..." Nalaglag pala iyon sa sahig malapit sa upuan ko kanina. Pabalik na ako sa kotse ng makita kong pumapasok si Lucinda sa kotse ni King. Nagtaka ako. I thought she left already? Baka naman binalikan lang si King para isama sa gathering. But minutes later she went out of the car smiling widely. Ang nakakapagtaka wala na itong baby bump. Wala naman siguro itong kakambal na kabit ni King? At kung may kambal ito hindi naman siguro sila nagsusuot ng parehong damit? Mabilis ang lakad na tinungo ko ang kinapaparadahan ng kotse ni King. Hindi talaga maganda ang vibes ko sa aking nakikita. May mali e. "Lucinda!" Tawag ko. "Y-Ysia..." Nauutal na sambit ni Lucinda ng malingunan ako. Wala sa sariling napahawak ito sa sariling tiyan. Gotcha! Wala itong kambal. "I will deal with you later. Uunahin ko lang ang demonyo kung fiancee." Nag-aapoy ang tingin na ipinukol ko rito. "Bastard!" Singhal ko kay King. Nagulat itong napalingon sa akin. Agad akong pumasok sa passenger seat na nilabasan ni Lucinda at humarap rito. Wala itong nagawa ng dumapo ang palad ko sa pisngi nito. "Let me explain first." Walang emosyon na sabi nito sa akin. Kapal! Ano pa ang iiexplain niya sa akin? "No need for your bullshit explanations! You lied to me already!" Galit kong sigaw rito. Why?! I really felt cheated. I am cheated by this pervert liar! Mariin ko siyang tinitigan sa mata. Yung titig na tutunaw sa pagkatao niya. "Hear these words, Ramos…I will not back out on our wedding day! So even if you kill yourself, I will not back-out, asshole!" I shouted to him before leaving. Bwisit siya. Akala ba niya he will easily get away with this? Magdusa siya! Because we will rot together --- in this marriage!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD