Nasa ibaba daw ang hilaw kong fiancé ayon sa katulong na inutusan ni mommy para tawagin ako. Wala akong balak na babain si King dahil bwisit na bwisit pa rin ako rito. He literally lied to me and now he's here for what? To justify his bullshits!? I really cannot stand to see his face.
"Manigas ka!" Kausap ko sa aking sarili.
Padabog akong tumayo mula sa kama ko at pumasok sa bathroom upang maligo. Balak ko kasing mag-out of town today kasama si Charizza Sy, my sissy. Total tapos na rin naman ang finals kung kaya free na akong umabsent kahit dalawang araw lamang. I really need a fresh air to breathe. Feeling ko kasi nasu-suffocate na ako sa nangyayari sa buhay ko.
Napaingos ako ng biglang may kumatok na muli. "Go away! I am not going down!"
Napakakulit talaga minsan ng mga katulong namin. Hindi marunong makinig sa sinasabi ko. I already told her to tell our unwanted visitor to go away. That I don't want to see him. Hindi niya ba maintindihan iyon? O baka naman hindi makaintindi ang pinagsabihan niyang bisita.
I am not going to entertain the visitor they wanted me to see. Wala akong amor sa lalaking iyon na ubod ng sinungaling. He can go to hell if he wants! Dumerecho na ako sa banyo upang maligo. I will be having the time of my life inside. Usually kasi it took me one to two hours taking bath. Oh, don't get me wrong, guys, marami kasi akong beauty routines na ginagawa bago magsimula ang seremonya ko sa paliligo.
"Holy cow! What do you think you are doing here inside my room?!" I shouted when I saw the asshole inside my room. Hawak-hawak nito ang kulay pula kong bra. Sinisipat niya iyon na para bang ngayon lamang ito nakakita ng bra. As if naman totoo di ba? Itsura palang mukhang makakabuntis na. Napaismid na naman ako ng maalala ang "scandal" naming dalawa. That thought always pops in my mind when I see this man. At hindi ko naman maunawaan kung bakit replay ng replay iyon sa utak ko. Bwisit lang!
"Oh, hi there Ysia! You look fresh!" Nakangisi niyang bati sa akin. Malamang fresh ako dahil galing akong banyo at kaliligo ko lang. Habang busy ang loko sa pag-scrutinize sa bra ko, ako naman ay mahigpit na hinawakan ang pagkakabuhol ng bathrobe na suot ko. Yes, hinahawakan ko at baka kasi makawala. Mahirap na. May manyak dito sa loob ng kwarto ko.
"How dare you come inside my room? Why are you here inside?"
"Your bra smells good and you have a nice choice of color ha, si Darna ka ba?" Anito habang natatawang isinusukat-sukat ang bra niya. Akala ko pa naman, hihingi ng tawad kaya pumunta rito. Yun pala, mang-aasar lang.
"Siyempre mabango kasi naka-Downy Antibac yan! Akina na nga yan! Wala ka na ngang modo, nangingialam ka pa ng mga gamit ko." Hinila ko ang bra mula rito. Agad ko naman itong nakuha mula rito. "Will you please go out and get some life?" Sikmat ko.
He just smirked. "Si Mommy Lucy ang nagsabi na umakyat ako rito sa kwarto mo. Because you never wanted to see me kaya ako nalang daw ang umakyat dito at personal na tawagin ka upang bumaba. Unless you don't want to go down." Kinuha nito ang isa kung unan sa kama at ipinatong sa lap nito while looking at me maliciously. Eww, akala niya naman agad-agad akong tatalon sa kama kasama siya. "We can do something else here."
"Oh! I see! Did you tell my mom how jerk you are!? How manipulative dog you are? Alam ba ni mom and dad kung gaano ka kagaling umarte? Or alam ba ng family mo na pwede kang maging best actor sa Oscars dahil sa hindi matatawarang galing ng acting skills mo." Tumaas na lalo ang boses ko dahil sa sobrang pagka-inis rito.
"Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa mga tao, Ysia? Ishat how you treat your fiancé?" Nakasimangot na tanong nito sa akin. Humiga pa talaga sa kama ko, the nerve!
"That's how I treat assholes!" Sinamsam ko ang mga damit na nakalatag sa kama. Doon na lamang ako magbibihis sa loob ng walk-in cabinet ko. Pero bago pa man ako makalayo rito ay tumayo na ito at lumapit sa akin. Akmang tatakbo ako palayo ay hinawakan niya na ako sa braso at hinila palapit rito.
"That's absurb, Ysia! You don't talk to me like that! Hindi mo pa ako lubusang kilala, Ysia. So, don't judge me!" Galit na turan nito sa akin. Hiniklas ko ang pagkakawak nito sa braso ko at hinarap ito. Kung nagalit siya dahil na-provoke ito, well, mas galit pa rin ako sa ginawa niya.
"Oh, really?! Ano pa ba ang dapat kong malaman maliban sa pagiging sinungaling mo?! O baka naman isa ka ding dakilang scammer?" Sarkastikong sagot ko sa kanya habang kipkip ang damit na isusuot ko.
Lumapit itong muli sa akin na halos gadangkal na lamang ang pagitan namin sa isat-isa. Seryoso ang mukha nito habang matiim na nakatitig sa akin. Sobrang lapit niya at mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Don't you dare come near m-- " Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin. Pumikit ako para hindi makita ang gwapong mukha nito. Ngunit agad ding napamulat ng marinig ang tawa nito. Inilapat nito ang hintuturo niya sa aking labi habang nakangisi.
"Ssshh! Don't close your eyes I am not going to kiss you." At sinundan pa iyon ng nakakalokong tawa. Galak na galak dahil naka-puntos na naman ito sa akin.
"I hate you! I hate you, brute! You are a pain in my ass! Para kang sumpa na dumating sa buhay ko! Get lost! I hate you!" Binato ko rito ang mga damit kong hawak.
Natatawa naman itong umilag. Hindi pa ako nakuntento ay sinubukan ko itong sapukin kung kaya nakalas ang pagkakabuhol ng bathrobe ko at sumilip mula rito ang aking hubad na katawan.
Panty lamang ang suot ko. I saw how King gulped in awe habang literal na nakatingin sa dibdib ko. I can feel my cheeks burning.
"Pwede ba lumabas ka na...Get out now!" I said after fixing myself in front of him din. Paano ko pa isasalba ng kahihiyan ko mula sa lalaking ito? Halos lahat na yata ng itinago ko ay nakita na niya.
"Bakit ako lalabas, mas maganda ang view rito. Mas entertaining ang palabas...And I am not yet done with you -- I mean, not yet done talking with you." I can see evil in his smile. Hinila niya ako sa isang kamay kaya tuluyan akong napaupo deretso sa kandungan nito. Agad naman akong napapiksi ng mapagtanto ang aming sitwasyon.
"Pervert! Lumayas ka rito! Ew, such a pervert! Get lost!" I shouted at him. Pinilit kung makawala mula rito. Ngunit sadyang mas malakas ito kesa sa akin. Antigas ng bungo ng lalaking ito kasing tigas ng dibdib nito.
Hell!? What am I saying? I am just stating a fact dahil nakahawak ako sa matigas na dibdib nito. Isinubsob nito ang mukha sa balikat ko. He is sniffing my scent. What the f**k!? Siraulo ba 'to? Tumataas ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa ginagawa nito.
"Ysia, I am sorry. It was meant to be a joke. Lucinda is one of my crew. She worked for me. Hindi ko naman alam na sasakay ka sa sinabi ko sayo kaya ayun inupahan ko nalang yun babae para magpanggap. She said she is a theater actress and she wants an extra income."
"Joke?!" I irritably asked him. At ang hudyo ay nakangisng tumango naman sa tanong ko.
So ngayon joke nalang ang pagpapanggap nilang buntis si Lucinda? Anong akala nila sa akin uto-uto? No way he can get away with this.
Tumayo ako mula sa kandungan nito. Sinuntok ko ito sa braso dahil sa sobrang inis. At mukhang nag-eenjoy pa ang loko sa pagsapak-sapak ko rito kung kaya mas lalong pinatigas ang muscles nito. Alam ko naman na hindi ito nasasaktan sa ginagawa ko kaya tumigil na ako.
"Hindi ginagawang biro ang ganung bagay, moron! Sa sitwasyon natin ngayon, naisip mo pa talagang mag-joke sa akin?" Tumayo na ako at pumunta sa harap ng vanity mirror ko. Tumayo rin ito at akmang lalapit na muli sa akin. Kinuha ko ang blower at iniumang rito na parang baril. Seriously, I will throw that thing on him if he keeps on pissing me.
Itinaas naman nito ang dalawang kamay na para bang sinasabing "surrender" na ito.
"From the bottom of heart, I am sorry for the thing I've done to you, Ysia Marie. Please forgive me. Hindi na talaga mauulit. Wala lang talaga akong maisip na magandang dahilan para pigilan ang kasal. I can't even say no to my parents. Ayaw kong pasamain ang loob ni mommy. At lalong higit na ayaw kong mawala ang tiwala sa akin ni daddy." Mukhang sinserong sabi nito sa akin. But he cannot deceive me anymore. Once a liar, always a liar.
"Whatever you do, whatever you say, I'll never believe it! You lied to me once and I know you can lie to me twice, thrice, and more! If you just talked to me to sort this problem, I'll help you. But you did otherwise, so panindigan mo yan." Pinal kong sabi rito.
"Ysia, I already said I'm sorry. What else do you want me to do? Tatlong linggo nalang at graduation na. If we don't do anything, our parents will get us married." Frustrated na ang gago.
Yes, I know for the fact that if I don't do anything to stop the marriage, I will be in great trouble with this man in front of me. Pero bago ko ito tulungan ay gaganti muna ako. I will give him the dose of his own medicine.
Kaya bago pa siya makahuma ay tumingkayad ako papalapit rito. Tumingin ako sa mga mata nito. At dahil matangkad ito kung kaya bahagya itong yumuko para salubungin ang mga tingin ko. At nang sa wakas ay maabot ko ang mukha nito ay inilapat ko ang labi ko sa mga labi nito.
Yes, I initiated the kiss between the two of us to spite him. And when I heard him moaning, I stopped. I heard him groaned.
"F*ck! Please, Ysia! Let's stop the wedding please..." He is begging. Good for him marunong din naman pala itong magpakumbaba. "Can't you see? They are serious of getting us married."
"O di maganda, I will be your beautiful bride. And I promise you that I will work hard as a wife." Nakangising sabi ko rito.
"Ysia naman, let's stop this stupidity... I am not yet ready to be married! I need your full cooperation with this...Please, Ysia..." He even pulled his own hair. Mukha itong tanga na sinasabunutan ang sariling buhok.
Pero magdusa siya dahil wala siyang mahihita sa akin. I will not cooperate with him anymore. Sinira niya ang tiwala ko sa kanya una palang. Paano pa ako maniniwala sa mga sinasabi niya?
"Magdusa ka mag-isa mo but I will not back out on our wedding! I will march on the aisle gracefully, my dear, soon to be husband." And I left him alone feeling frustrated. Pumasok na ako sa walk-in cabinet ko at nag-lock ng pinto.
I immediately sat on the pink couch inside. Napahawak ako sa dibdib ko. I shook my head afterwards when I gathered all my thoughts at one. Hindi ako dapat na magpaapekto sa nangyayari ngayon. I should be focusing on the perfect solution I am thinking right now.
Nang matapos akong magbihis ay wala na si King sa kwarto ko. Maybe he left already.
Dapat lang na umalis na siya dahil wala siyang makukuhang maganda sa akin ngayon. I will solve the problem on my own. And I am going to execute it as soon as possible.