Episode 1
Eka
Dahan dahan siyang kumilos sa kanilang bahay upang hindi iwasan na magising ang kanyang ama na lasing na naman. Papasok siya ngayon sa unibersidad at kailangan niyang maagang dumating doon sapagkat may usapan sila ng kanyang matalik na kaibigan na Nicky. Nang makalabas ay laki ng pasasalamat niya ng may dumaang tricycle, dali dali niya itong pinara at sumakay.
Kasalukuyang asa huling sem na siya ng pag-aaral niya at tanging thesis na lang ang kulang ay kumpleto na niya ang requirements. Ito ngayon ang pinagbubuhusan niya ng panahon dahil may kamahalan ang mga kailangan niya para makumpleto ito.
"Ano bakla, kamusta ang thesis mo?" malanding tanong ni Nicky habang naglalagay ng lipgloss. Nasa lamesa sila ngayon sa ilalim ng puno malapit sa cafeteria ng unibersidad.
"Asa gitna na ako ng write-ups, kaya naman siguro matapos nito bago magdue date" inaayos niya ang mga papel na ginamit niya sa survey para sa kanyang thesis. Pagkatapos ay nagsimula uli magsulat ng ibang ideya upang pagkatapos ng kanyang shift sa trabaho sa resort ay makakapunta uli siya sa computer shop kung saan niya tinatype ang kanyang thesis.
"Ikaw, ung sayo kamusta?" tanong niya sa kaibigan.
"Piece of cake" at tiningnan siya nito habang nagsusulat "Sabi ko naman kasi sayo hiramin mo na ung laptop ko eh"
"Okay lang ako mamsh, tsaka aabalahin pa kita" tiningnan niya ang kanyang orasan at mabilis niligpit ang kanyang mga gamit "Aalis na pala ako, baka malate ako sa trabaho, doon ko na lang itutuloy to" paalam niya sa kaibigan.
***********************************************************
Limang na oras lamang ang klase niya araw- araw kaya naman nakakapaglaan siya ng 8 hours na trabaho sa resort, un nga lang ay laging 2nd shift ang kinukuha niya para may oras pa siya sa ilang mga bagay.
Ala-una imedya na siya nakarating ng Carmelita resort, agad siyang nagpalit ng uniporme, nagpuyod ng buhok at naglagay ng kaunting pulbo bago pumunta sa area niya. Isa siya sa mga tao ng room service, at ngayong araw ay nakatoka siya linisin ang isa sa pinakamalaking kwarto doon, ang Casa Monte.
"Oh Eka, ang aga mo ngayon ah" bati sa kanya ng kaibigan si Lucy, isa rin itong tao ng Room Service department.
"Maaga natapos klase ko" tugon niya dito.
"Sipag mo talaga ghorl. Ikaw maglilinis ng Casa Monte?" tanong nito.
"Oo, sabi ni sir Eugene, un muna unahin ko." abala siya ngayon sa pagaayos ng mga dadalhin sa paglilinis
"Alam mo ba may chika doon. Dadating daw ung may-ari ng resort tapos mag stay dito ng ilang araw" kuwento pa nito. "Tsaka may usap usapan pa kung gaano kapogi raw nun" tila kinikilig pa nitong sabi.
Napailing naman siya sa sinabi nito. "Ikaw talaga. Sige na alis na ko, linisin ko na." paalam na lang niya sa kaibigan.
Mabilis siyang pumunta sa Casa Monte upang linisin ang kwarto. Isa sa mga ugali niya ang pagiging OC sa trabaho, kaya kapag sinabing malinis ay talagang sobrang linis ang ginagawa niya dito. Sa lahat ng kwartong nalilinis niya, isa rin ito sa pinakapaborito niyang view, may sariling pool din ito malapit sa siid tulugan nito. Malapit na siyang matapos ng mag ring ang intercom, nilapitan naman niya ito upang sagutin.
"Hello, Eka, room service speaking"
"Hello Eka, okay na ba dyan?" tanong ng asa kabilang linya.
"Malapit na, siguro mga 10 minutes na lang"
"Ah sige, andito na kasi ung mag-check in dyan"
"Okay, bilisan ko na lang" pagkababa niya ng intercom ay dali-dali niyang tinapos ang kanyang paglilinis at sa loob ng sampung minuto ay tumawag uli siya sa reception para sabihin na pwede ng papasukin ang guest sa Casa Monte. Nang makalabas siya ng kwarto ay nakita niya ang mga kasamahan na may bitbit na mga gamit. Kasunod nito ang isang lalaki na nakasuot ng casual na puting t-shirt lang na tinernuhan ng simpleng pantalon. Kita kita ang magandang pigura at magagandang hugis ng bisig nito. Kaya siguro kinikiig si Lucy, sa isip niya. Matapos titigan ng saglit ay tumalikod na siya at pumunta sa susunod na kwarto na kanyang lilinisin.
Papasok na siya sa susunod na kwarto ng makita niya na kumpleto pa ang mga towels na asa lagayan niya. Hindi pala niya nalagyan ng mga towels ang kwarto huli niyang nalinis, ang Casa Monte.
Hala sya, anak naman ng pitong-pung baka oh. May tao na doon eh, babalik pa tuloy ako... suway niya sa sarili
********************************************
Zion
One year mula ng nagfile ng annulment si Grace, ay ngayon araw lamang niya natanggap ang final decision ng korte at base dito ay tuluyan na niyang hindi asawa ang babae. Masakit para sa kanya na madali nalimot ni Grace ang ilan taon nilang pagsasama. Ang limang taon nilang pagsasama ay nagkaroon ng bahid mula ng piliin ni Grace ang career nito, ang pagmomodelo at sa huling taon nga ng kanilang kasal ay tuluyan ng nagfile si Grace ng annulment dito. Sa unang ay hindi niya matanggap ang desisyon nito ngunit ng maglaon ay hindi na niya ito napigilan at ngayon ng matanggap niya ang desisyon ng korte ay bumalik ang galit niya sa babae pinaglaanan niya ng panahon at pagmamahal.
Kasalukuyan siyang asa bahay at umiinom ng maisipan niyang tawagan ang isang pinagkakatiwalaan niyang staff na naging matalik na rin niyang kaibigan sa Dos Marias resort.
"Gene, how's the resort going?" tanong niya sa kaibigan.
"Uy! pare ano na? Okay naman dito."
"I am planning to stay there for a couple of weeks"
"Ayun! Akala ko hindi ka na bibisita dito, para makilala mo naman mga tao mo"
"Maraming resorts kasi ang nagkaproblema this past year"
"Sige, ipahanda ko na ung favorite room mo"
"Salamat, Gene"
"Kailan ka dadating?"
"Mamayang hapon"
******************************************************************
"Hello, Sir Peters the room will be available after 10 minutes." ayon ng babae sa reception. Napansin din niya na papalapit si Gene sa kanya.
"Akala ko naman ng hapon mo mga alas singko, grabe aga" natatawa nitong bungad. "Inantay ko pa kasi ung pinaka-OC kong tao para malinis ung Casa Monte." paliwanag pa nito.
"Okay lang mag-antay. I am getting used to it" biro niya dito. Maya maya pa ay narinig na niya sa reception na ready ang tutuluyan niya. Pinatulong naman ng kaibigan ang mga tao nito upang dalhin ang mga bagahe niya. Malapit na sila sa Casa Monte ng mapansin niya ang isang babae na nakatingin sa kanya. Hula niya, ito ang naglinis ng kwarto niya sapagkat kapareho ng babae sa reception ay pareho ng uniform ang suot nito. Morena ito na may bilugan at magandang mga mata at hindi maitanggi na simple lang ganda nito. Hindi naman niya natitigan ito ng husto at kibit balikat na lamang pumasok ng Casa Monte.