Dirty Game #3

795 Words

Hawak-hawak ni Zane ang isang kamay ko habang nagmamaneho siya papunta sa condo unit na kung saan ay nandoon na raw ang mga kaibigan niya lalo na ang bestfriend niyang kakauwi lang mula sa amerika. Ngayon kasi ay ipapakilala na ako ni Zane bilang girlfriend niya sa mga kaibigan niya. Mahigit dalawang buwan rin siyang nanligaw sa akin at nakita ko naman kung paano niya ako mahalin at alagaan kaya deserve niya naman siguro ang matamis kong oo. Sa loob ng ilang buwan ay minahal ko na rin si Zane dahil hindi lang ito gwapo kundi mabait at mabuti rin siyang tao. "I can't wait na makilala mo na sila lalo na 'yung bestfriend kong si Yuri. Sigurado akong magugustuhan ka niya para sa akin." Nakangiting sabi ni Zane saka niya hinalikan ang isang kamay kong hawak niya. Ngumiti naman ako bilang sag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD