EIRIE'S POV Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko nang makareceived ulit ako ng mga flowers at chocolates mula kay Zane na isa sa mga manliligaw ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagtangkang manligaw sa akin pero kay Zane ko lang talaga nakita kung paano siya pursigidong ligawan ako. Hindi nga ako makapaniwala na manliligaw ang isang katulad niyang gwapo at sikat sa Campus namin dahil ni wala namang pagkakataon na nagkakilala kami ng lubusan. Sinabi lang niya na noong una palang raw niya akong nakita ay sobrang nagandahan siya sa akin at nagustuhan rin niya kaagad ako kaya nagtangka na siyang manligaw ngayon. Pagkatapos namin grumaduate ng college ay kaagad niya akong niligawan at ngayon nga ay mag dadalawang buwan na siya sa panunuyo sa akin. Nakikita ko naman na

