“Ramdam na ramdam ko na ang pagkapalo sa mga manok kong ito,” ani ni Mang Kanor habang nagmamaneho patungo sa malaking arena ng sabong kung saan siya nakikipagpustahan ng malaking halaga ng pera na kanya ngayong dala-dala kasama ng tatlong manok na ilalaban niya. “Papaldo na naman ako panigurado,” siguradong-sigurado sa sarili na sambit pa ng lalaki na nakuha pang sumipol-sipol. Malayo pa sa bayan ang rancho ni Mang Kanor. Marami namang mga bahay ngunit malalayo ang distansiya sa isa't-isa. May mga parte rin ng daan na wala talagang bahay kung hindi mga damuhan at nagtataasan lang na mga puno. “Sino naman tong baliw na to?” tanong sabay malakas na busina ng sasakyan ni Mang Kanor ng makitang may taong nasa gitna ng kalsada at hirap na hirap tumawid dahil pa sa mga dala-dalahan na nakasi

