“Ipe, bakit parang sa tantiya ko ay kokonti na lang ang bilang ng mga baka?” pagtatakang tanong ni Mang Kanor ng magawi na nga sa bukid kung nasaan naroon ang lahat ng kanyan mga alagang hayop. “Ha? Nadagdagan na nga ho sila dahil ilang mga inahin ang mga nanganak. Kaya imposible na kumonti sila,” ang sagot naman ni Mang Ipe siyang nag-aalaga sa lahat ng mga hayop kahit mag-isa lang siya. “Sigurado ka ba? Sabagay at baka naninibago lang ako,” ani ni Mang Kanor at saka na gumawi sa kanyang mga manok na panabong na may laban kinabukasan. “Paka kondisyon mo itong mga manok natin, Ipe. At malaki ang ipupusta ko rito bukas at tiyakin mo na papaldo tayo,” sabi ng among lalaki na himas-himas ang ulo ng pinakapaborito niyang manok na panabong na hinahanda na nga niyang ilaban sa malaking pustah

