JANE POV Nang makapasok ako sa loob ng mansyon ni Sir Charles, anin na kasambahay ang lumapit sa akin. Subalit napansin ko naman na mga bagong kasambahay. "Pakidala ang gamit ni Jane sa magiging kwarto niya," pag uutos ni Sir Charles. Sa isang utos lamang niya ay nagsipag sunuran na ang mga kasambahay. Feeling ko naman ay makakasundo ko silang lahat. Walang mataray kahit na isa. Bigla namang nag ring ang cellphone ni Sir Charles. "Excuse me Jane, kailangan ko lang sagutin ang tawag. Importante lang ito," pagpapaalam niya pa sa akin. Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Bandang tanghali naman ng magpunta ako sa kwarto ko. Napakalawak nito kung tutuusin, maganda ang sofa at malambot ang kama. Mayroon pang tv at ilang mga kagamitan. Sa first floor lamang ito naka locate. Masaya na ri

