JANE POV Muli na namang nagbukas ang pintuan subalit sa pagkakataong ito, hindi na yung kasambahay na bruha ang nakita ko kung di mismong si Sir Charles. Nakangiti siya sa akin. Binuksan niya ang pintuan at ni lock niya ito. Yung tingin niya sa akin, muli na namang nag iba. It brings back memories noong una kaming nagkitang dalawa. Kaya lang ang kaibahan, kilala na namin ang isa't isa so mas komportable na ako. "Mukhang masaya ka ngayon ha? Kamusta ang first day mo rito sa mansyon?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Nang makapalit siya, hinimas niya ulit ang mukha ko. Kahit na ayaw kong magpa dampi sa kanyang mukha, baka malagay pa ako sa alanganin. "Heto, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Parang nananaginip pa rin ako," sagot ko sa kanya. "Dap

