Pababa pa lang siya ng hagdan ay sinimulan na agad ni Micah ang kanyang misyon, ang akitin si Damian Navarro. Kahit pa kararating pa lamang nito at hindi pa nakakapahinga mula sa mahabang biyahe, wala siyang balak mag-aksaya ng oras. Milyong piso ang nakasalalay sa bawat galaw niya, sa bawat impresyon na maiiwan niya. Bawat segundo, may presyo. At ngayon, siya ang pinakamahal na investment ng Ninang Giselle niya. Matagal na niyang inabangan ang pagdating ng sasakyan ni Damian. Nakatanggap pa siya ng text mula sa Ninang Giselle niya na malapit na ang mga ito, kaya mas lalo siyang naging handa. Planado ang lahat, mula sa paglabas niya sa hagdan hanggang sa unang sulyap na ipapakita niya. Sa isip niya, ito na ang simula ng kanyang pag-aakit sa binata. Ito na yung unang putok ng baril. Pa

