Chapter - 9

1302 Words
Damian’s POV Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang makitang muli ang kanyang Papa o mas malulungkot. Alam niyang ang dahilan kung bakit siya biglang umuwi ng San Miguel ay dahil sa balitang may malubhang sakit ang kanyang ama at maaaring hindi na ito magtagal. Hindi niya iyon inaasahan. Sa edad na animnapu’t lima, hindi pa naman ganoon katanda ang kanyang Papa. Malakas pa ito, sanay sa trabaho, at hindi kailanman nagpabaya sa sarili. Ngunit ganoon talaga kapag dumapo ang sakit, kahit gaano ka pa katibay, unti-unti kang hihilahin pababa ng kahinaan. Kahinaan. Isang salitang hindi niya pinapayagan sa sarili niya. Pero sa Papa niya, hindi niya mapigilan. “Papa,” mahina niyang tawag nang makita ang ama sa arrival area ng NAIA. Agad niya itong nilapitan at niyakap nang mahigpit, parang doon niya ibinubuhos ang lahat ng pangamba na pilit niyang kinikimkim mula pa nang malaman niya ang kalagayan nito. Hinigpitan niya ang yakap. Hinigpitan niya dahil sa Europa, natuto siyang huwag magpakita ng kahinaan. Pero ngayon, dito, sa harapan ng amang bumuo sa kanya, bumigay siya. “My son, welcome back, Damian,” tugon ng kanyang ama habang tinatapik ang kanyang likod. Yung tapik na may bigat. Yung tapik na parang nagpapaalam na. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito. Sa sandaling iyon, hindi na siya ang matapang at independent na lalaking kinilala sa Europe. Isa lang siyang anak, isang anak na natatakot mawalan ng magulang. Natatakot mag-isa. Siya, si Damian Navarro. CEO sa papel. Empire builder sa boardroom. Pero sa harap ng Papa niya, anak lang siya. At ayaw pa niyang maging ulila. Dahan-dahan siyang kumalas sa yakap at sinuri ang mukha ng kanyang ama. May pagbabago. Hindi man halata sa unang tingin, pero bilang anak, ramdam niya iyon. Bahagyang pumayat, medyo nanlalalim ang mga mata, at tila may pagod na hindi maitago. At doon lalo niyang naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang imperyo, pwede niyang kontrolin. Ang sakit, hindi. Napatingin siya sa gilid. Doon niya nakita si Giselle, ang kanyang madrasta. Nakatayo sa di kalayuan. Nakangiti ito sa kanya, tila masaya sa kanyang pagdating. Ngunit hindi siya ngumiti pabalik rito. Sa unang tingin pa lang niya rito noon, hindi na niya ito nagustuhan. Para sa kanya, may kakaiba sa babae, ramdam niyang hindi niya ito mapagkakatiwalaan. Hindi niya kayang paniwalaan na tunay itong nagmamahal sa kanyang ama. Sa tingin niya, pera lamang ang habol nito. Halos doble ng edad ng babae ang agwat nila ng kanyang Papa, ngunit pinili pa rin nitong pakasalan ito. At ang kanyang ama naman tila hindi nakita ang dapat makita. Marahil dahil na rin sa kalungkutan ng pag-iisa nito. Mula pa noon, nanatili ang pagdududa niya sa madrasta. Kahit mamahalin ang mga suot nito, kahit elegante ang galaw, may kung anong hindi niya maipaliwanag, parang may bahid ng pagpapanggap. Predator. Lahat ng galaw, calculated. Lahat ng ngiti, may presyo. Ngunit kahit ganoon, hindi niya ito kailanman binastos. Para sa kanyang ama, pinipili niyang magpigil bilang respeto. “Hi, Damian, hijo,” bati ni Giselle nang tuluyan siyang kumalas sa yakap ng kanyang ama. “Hello po,” magalang niyang tugon. Malamig. Sukat. Yung boses na ginagamit niya sa boardroom bago siya makakuha ng deal. “Mabuti naman at nakauwi ka na. Makakasama mo na ang Papa mo,” saad nito, may halong lungkot sa tinig. Ngunit sa loob-loob niya, hindi siya naniwala. Alam niyang may iba itong iniisip. Bago pa siya umuwi, nakausap na siya ng abogado ng kanyang ama. Ipinaalam nito ang kondisyon ng kanyang Papa, at ang desisyon nitong ipamana sa kanya ang lahat ng ari-arian nito. Bilyon ang halaga. Ngunit para sa kanya hindi iyon ang mahalaga. Sa Europe, maayos na ang buhay niya. May sarili siyang pangalan, sariling karera, at kasama niya roon ang kanyang fiancée, si Sophia, at nalalapit na ang kanilang pagpapakasal. Pero hindi niya rin kayang pabayaan ang lahat ng pinaghirapan ng kanyang ama na mapunta sa maling kamay. Lalo na sa isang babaeng hindi niya pinagkakatiwalaan. Ang madrasta. Dalawang sasakyan ang ginamit nila pauwi ng mansyon. Magkasama sa isang sasakyan ang kanyang ama at si Giselle, habang siya naman ay nasa likod, mag-isa, kasama ang driver. Tahimik ang biyahe. Habang nakatanaw siya sa bintana, hindi niya maiwasang mapansin ang malaking pagbabago sa San Miguel. Dati’y payapa at simple lamang ang bayan, ngunit ngayon ay puno na ng mga gusali, establisyemento, at ilaw na tila hindi na natutulog. Halos hindi na ito naiiba sa isang lungsod. Napangiti siya nang bahagya. Malayo na ang narating ng lugar kung saan siya lumaki. Ngunit kasabay ng ngiting iyon ay ang kirot sa kanyang dibdib. Dito siya lumaki. Dito siya unang natutong mangarap. At dito rin niya naranasan ang mawalan. Napapikit siya sandali. Paano kung mawala na rin ang kanyang ama? Paano kung tuluyan na siyang maiwang mag-isa? Hindi pa siya handa. Kahit dalawampu’t limang taong gulang na siya, hindi pa rin niya kayang tanggapin ang ideyang iyon. Hindi siya natatakot sa kamatayan. Natatakot siyang maiwang mag-isa. Pagdating nila sa mansyon, nauna nang bumaba ang kanyang ama at si Giselle. Hinintay siya ng mga ito sa labas ng sasakyan. “Tara na, Damian. Naghanda kami ng paborito mong pagkain,” nakangiting saad ng kanyang ama. “Salamat po,” tugon niya. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Wala pa ring nagbago. Malaki pa rin ang bahay. Malamig. At may kung anong lungkot na tila hindi kailanman nawala. “Welcome home, anak,” masiglang saad ng kanyang ama nang makarating sila sa sala. Ngumiti siya nang bahagya at iginala ang kanyang paningin sa paligid. Doon siya naging masaya noong kumpleto pa sila. Habang lumalaki siya puno ng saya kasama ang kanyang Mama. Ngunit naputol ang kanyang pag-iisip nang may mapansin siyang isang babae. Nakatayo ito sa itaas ng hagdan, suot ang puting bestida. Dahan-dahan itong bumababa. Hindi sinasadyang pumukaw ang kanyang atensyon sa babae. Hindi niya kilala ang babae. Sa pagkakaalam niya, wala namang anak ang kanyang madrasta. Wala nga ba? Hindi rin naman ito mukhang kasambahay. Masyado itong maganda. Masyadong elegante. Masyadong maganda at moderno ang suot, halatang may presyo rin. Hindi niya maialis ang tingin sa babae habang pababa ito ng hagdan. Sa bawat hakbang nito, may kakaibang kumpiyansa. Simple lang ang galaw pero may dating. May hatak. Maganda at bata pa. Parang may kung anong puwersang humihila sa kanyang paningin. Trap. Alam niya ang trap pag nakita niya. At ang babae, amoy trap. At lalo siyang natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Diretso. Matagal. Hindi siya umiwas. Hindi rin ito umiwas. Parang may kakaibang koneksyon na hindi niya maipaliwanag. At sa mga sandaling iyon, tila nakalimutan niya ang lahat, ang sakit ng kanyang ama, ang pagod sa biyahe, pati ang presensya ng ibang tao sa paligid. Tangina. Anong nangyayari? Sino ang babaeng ito? Bakit parang may kakaiba? Bakit pakiramdam niya hinahamon siya? “Micah,” tawag ni Giselle sa babae. Micah. Iyon pala ang pangalan ng magandang babae sa kanyang harapan. Bahagyang kumibot ang panga niya. Micah. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong gumalaw sa loob niya sa simpleng pangalang iyon. Micah. Pangalang hindi niya kilala, pero gustong-gusto niyang kagatin. Anong kaugnayan ng magandang babae sa madrasta niya? Habang pababa ang babae, hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Hindi ito lantad sa pananamit, ngunit hindi rin maitago ang hubog ng katawan nito. Malinis ang ayos, simple, ngunit may dating na hindi niya maipaliwanag. Bakit tila may atraksyon? Napakunot ang noo niya. Bakit siya nag-iisip ng ganoon? May fiancée siya. At hindi siya ang tipo ng lalaking basta-basta naaakit. Control. Discipline. I own women. They don’t own me. Ngunit sa sandaling iyon, may kung anong nagbago. Hindi niya alam kung ano. Pero sigurado siya, ang pagdating niya sa bahay na ito ay hindi magiging simple. At ang babaeng iyon, si Micah, ay may malaking kinalaman doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD