Chapter- 8

1558 Words
Makalipas ang isang linggo, dumating na ang araw na pinakahihintay niya at ng kanyang Ninang Giselle. Ngayon ang araw na babalik si Damian Navarro sa Pilipinas. Ang lalaking matagal na niyang pinaghandaan, at matagal na ring laman ng kanyang isip kahit pa sa mga litrato at social media na halos wala siyang makuha. Nakatayo siya sa harap ng salamin habang maingat na inaayos ang sariling itsura. Kanina pa bumibilis ang t***k ng puso niya, hindi dahil sa kaba lamang, kundi dahil sa matagal niyang inaasam na makita si Damian sa personal. Sa wakas, hindi na siya limitado sa mga espekulasyon, bulong, at mga kuhang impormasyon mula sa ibang tao. Ngayon, totoo na. Hindi na ito pangalan lang sa kontrata. Hindi na ito multo sa kwento ng Ninang niya. Na-stalk na niya ang social media account ni Damian ilang ulit na rin, ngunit gaya ng inaasahan, masyadong private si Damian Navarro. Wala halos larawan, walang personal na update, at kung meron man ay puro malalayo o hindi klaro. Yung tipong may yacht sa background, pero siya, tuldok lang sa deck. Kahit si Sophia, ang fiancée nito, ay ganoon din. Maingat, pribado, at tila sanay na sanay sa mundo ng mga taong ayaw makita ng publiko. Isang post lang, naka-tag sa isang charity event. Walang mukha ni Damian. Walang hawak-kamay. Walang my love caption. Hindi na nakapagtataka. Alam naman niya na ganoon ang mga alta. Mga taong mayaman, maimpluwensya, at sanay sa ingay ng pangalan pero hindi sa mata ng publiko. Pero para sa kanya, mas lalo lang itong nagdagdag ng misteryo. At ang misteryo, para sa kanya, ay parang imbitasyon para mas lalong kilalanin. Ang hindi niya nakikita, mas gusto niyang hawakan. Ang hindi niya maabot, mas gusto niyang angkinin. Bago pa dumating ang araw na ito, halos buong linggo siyang inihanda ng Ninang Giselle niya. Hindi lang basta mental preparation, kundi pati pisikal. Dinala siya sa derma clinic, pinaputi at pinakinis ang balat hanggang sa mawala yung mga bakas ng araw sa San Miguel. Sunod ay salon. Ginupitan, kinulayan ng banayad na brown, at inayos ang buhok na ngayon ay may natural na alon sa dulo. Yung buhok na kapag hinangin, mukhang commercial ng shampoo. Although maganda naman na siya noon pa, may magandang kutis na sobrang kinis, sadyang kailangan pa niyang mas maging handa para kay Damian. Kasi si Damian, hindi lang lalaki. Ito ang susi niya patungo sa tagumpay. Ito ang lagusan niya palabas ng hirap. Ito ang pangalan na kapag naging kanya, hindi na siya tatawaging “anak ng call center agent”. Sunod-sunod din ang shopping na halos hindi niya inakala. Luxury brands na dati ay nakikita lang niya sa social media, ngayon ay nasa loob na ng kanyang closet. Mga damit, sapatos, sandals, bags. Lahat bago, lahat mamahalin. Dior. Prada. Hermès. Chanel. Mga pangalang dati, hindi niya kayang bigkasin nang tama. Ngayon, isinusuot na niya. Para bang unti-unti siyang binubuo ng Ninang Giselle niya hindi lang bilang babae, kundi bilang isang larawan na dapat tumama sa paningin ni Damian Navarro. Babaing nababagay para sa isang lalaking katulad ni Damian. Babaing hindi mukhang hinila lang sa kanto. Babaing mukhang ipinanganak sa mansyon. Hindi niya maitatanggi, natutukso siya sa lahat ng ito. Lalo na sa ideya na unti-unti niyang natatamo ang mga bagay na dati ay pangarap lang niya. Yung mga bagay na dati, dinadamot lang niya sa bintana ng mall. Yung bag na dati, pinagpapantasyahan niyang nakawin. Ngayon, kanya na. Ngunit sa likod ng bawat bag, bawat sapatos, bawat mamahaling tela, naroon ang katotohanan na hindi libre ang lahat. May kapalit. At ang kapalit na iyon ay si Damian Navarro. Kailangan niyang mapaibig ito, bago pa man ito tuluyang ikasal kay Sophia. Kailangan niyang maging mas magaling kay Sophia. Mas maganda. Mas matalino. Mas gutom. Dahil dito, hindi na rin niya pinakialaman pa ang hatian na unang napag-usapan nila ng Ninang Giselle niya. Noon pa man ay malinaw na sa kanya ang deal, malaking porsyento ng yaman ng Navarro kapag nagtagumpay ang plano nila. Ngunit ngayon, tila mas lumalawak pa ang mundo ng posibilidad. At para sa kanya, hindi na ito simpleng usapan ng pera, kundi ng kinabukasan nilang mag-ina. Isasama niya ang ina sa kanyang tagumpay. Hindi limos. Hindi sustento. Trono para sa kanyang ina. Hindi na ito sasagot ng tawag ng ibang tao. Hindi na ito magpupuyat para sa kinsenas. Hindi na ito iiyak kasi kapos. “Handa ka na bang makita si Damian?” tanong ng Ninang Giselle niya nang pumasok sa kanyang silid. Agad na tumuwid ang tindig niya, parang sinanay ang katawan niya sa bawat salitang iyon. Nandito na ang simula. Ang unang putok ng baril. Ang unang hakbang sa giyera. Susunduin na ng Ninang niya si Damian sa airport kasama ang asawa nito. Hindi siya isinama, ayon sa plano, para hindi mahalata ang intensyon nila. Dahil siya ang secret weapon. Siya ang sorpresa. Siya ang bomba. Siya ang dahilan kung bakit hindi makakatulog si Sophia mamaya. “Yes po, Tita. Handa na po ako,” sagot niya, taas-noo at may kumpiyansang pilit niyang pinapakatotohanan. Hindi siya kakabahan. Siya ang dapat katakutan. Siya ang dapat paghandaan ni Damian, hindi siya ang maghahanda para kay Damian. Nakangiti ito habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri ang isang obra na halos kumpleto na. Isang pintura na isang hagod na lang, masterpiece na. “Iyan ang gusto ko sa iyo, Micah. Malakas ang loob. Matapang.” Inabot nito ang ilang hibla ng buhok niya at inayos iyon, tila inaayos ang isang final detail bago ang isang mahalagang laban. “Gusto ko ang suot mo. Classy at the same time hot,” dagdag nito habang sinisipat ang puting mini dress na suot niya. Ang damit ay simple sa unang tingin, puti, malinis, eleganteng tingnan. May ribbon sa balikat at tamang fit sa katawan niya. Hindi ito malaswang tignan, ngunit sapat para ipakita ang hugis ng kanyang katawan nang hindi lantaran. Yung tipong kapag tumalikod ka, may lilingon. Pero kapag hinabol ka ng mata, wala silang maikakaso sa iyo kasi wala kang nilabag. Wala ring masyadong cleavage, sadyang itinago niya iyon ayon sa bilin ng Ninang Giselle niya. Conservative daw si Damian at mga babaing mahinhin ang tipo nito, kaya dapat lang siyang sumunod kung ano ang tipo nito sa babae. At iyon ang ginawa niya ngayon. Binago niya ang estilo niya, mula sa dating maiksi at revealing, ngayon ay controlled, elegant, at calculated. Hindi niya kailangang ipakita lahat. Kasi ang hindi nakikita, iyon ang hinahanap. Ang hindi natitikman, iyon ang pinagnanasahan. “Isa po sa binili niyo sa akin ito, Tita,” sagot niya nang may ngiti. “Perfect,” saad nito na tila satisfied. “Make yourself fresh until we arrive from the airport. Pag nag-dinner tayo kasama si Damian, gusto kong sa unang tingin pa lang, mapapansin niya agad ang ganda mo at appeal mo.” “Yes po, Tita. Don’t worry.” Hindi nagtagal, nagpaalam na ito sa kanya. Aalis na ito kasama ang asawa nito para sunduin si Damian. Iniwan muna siya sa mansion, para mas makapaghanda sa pagdating ni Damian. Para mas maging perpekto. Para walang mintis. Pagkasara ng pinto, huminga siya nang malalim. Tahimik ang buong silid. Tanging tunog ng aircon at t***k ng puso niya ang naririnig. Yung aircon na hindi maingay. Yung aircon na hindi tumutulo. Yung katahimikang binili ng milyon. Lumapit siya sa salamin muli, pinagmasdan ang sarili na para bang hindi niya lubos makilala ang babaeng nakatingin sa kanya. Sino ka? tanong niya sa sarili. Ikaw ba si Micah na umiiyak kasi sinampal ng nanay? Ikaw ba si Micah na nagbibilang ng barya para sa pamasahe? O ikaw na si Micah na isang hakbang na lang, Mrs. Navarro na? “Kailangan maganda ka, Micah,” bulong niya sa sarili. “Sa unang sulyap pa lang, dapat mapansin ka na ni Damian.” Ngumiti siya nang bahagya, habang inaayos ang buhok na kinulutan niya sa dulo para mas maging soft ngunit may dating. Yung buhok na kapag hinaplos ni Damian, hindi niya makakalimutan. “Dapat kakabahan siya sa iyo. Dapat makalimutan niya si Sophia.” Isang ngiti ang unti-unting gumapang sa labi niya, mas kumpiyansa, mas matalim. Yung ngiting hindi para mang-akit. Yung ngiting para manakot. “Micah De Jesus, you are perfectly beautiful.” Sandaling katahimikan. Tapos isang mahina ngunit puno ng kilig na tawa. Yung tawa ng babaeng alam na mananalo. Yung tawa ng babaeng hawak na ang alas. “No doubt, you will be Mrs. Micah Navarro.” Parang batang umiikot siya sa loob ng silid, dahan-dahan, tila nasa isang eksena ng sayaw sa gitna ng isang malaking ballroom. Ang kurtina ay gumagalaw sa hangin mula sa aircon, at sa isip niya, para itong entablado. At sa entablong iyon, siya ang bida. Siya ang spotlight. Siya ang ending. Si Damian Navarro ang tanging prinsipe na kailangan niyang makuha, kahit pa hindi pa niya ito lubos na kilala, kahit pa may ibang babae nang nakatali dito. Ngunit sa isip niya, hindi pa tapos ang kwento. Ngayon pa lang ito nagsisimula. At sa kwentong ito, siya ang kontrabida sa paningin ng lahat. Pero sa paningin niya, siya ang bida. Siya ang api na lumalaban. Siya ang mahirap na nagpupursigi. Siya ang babaeng hindi papayag na talunan habambuhay. At kung kailangan niyang maging demonyo para maging reyna, so be it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD