Umakyat siya sa ikalawang palapag. Walang ingay ang mga hakbang niya sa makapal na carpet. Pero bawat yapak, mabigat. Nakakuyom ang kamao niya sa gilid. Umigting ang panga sa galit na nararamdaman kay Micah. Galit dahil sa nangyari sa Porsche. Galit dahil muntik na siyang mawalan ng kontrol. Galit dahil alam niyang pain lang si Micah sa plano ni Giselle. Kailangan niya itong komprontahin. Kailangan niyang tapusin ang laro bago pa siya makalimot. Nang makarating sa tapat ng silid ni Micah, hindi siya kumatok. Hinawakan niya ang seradura. Pinihit nang marahan. Bumukas ang pinto nang walang ingay. Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang katahimikan. Walang tao sa kama. Kumot, maayos. Walang gusot. Pero mula sa banyo— Tubig. Umuagos. At kasabay noon— “Ahh… Damian…”
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


